Pasahero inutas sa loob ng jeepney
MANILA, Philippines - Patay ang 51-anyos na lalaki nang barilin sa ulo ng isang motorcycle rider na dumikit sa sinasakyan ng una na pampasaherong jeep sa panulukan ng Bambang St. at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Metropolitan Memorial Medical Center ang biktimang si Virgilio BarreraÂ, residente ng J. Abad Santos Avenue, Tondo dahil sa bala na tumama sa tenga at bumaon sa ulo nito.
Sa ulat ni SPO2 CrisÂpino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na kasasakay pa lamang ng jeep ng biktima kasama ang mga kaibigang sina Roy Camba, Rex at misis nito at isang Noel Ramos dakong alas 8:30 ng gabi ng Miyerkules sa nabanggit na lugar.
Nang huminto ang jeep dahil sa red light, dinikitan ng suspect ang jeep partikular sa kinauupuan ng biktima kung saan binaril ito sa ulo at pagkatapos ay pinaharurot ang motorsiklo.
Agad namang dinala ng mga kaibigan ang biktima sa nasabing ospital pero hindi na umabot pang buhay.
- Latest















