^

Metro

Bebot pinatay, isinilid sa drum

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng babae na nakasuot lamang ng panty at bra, napupuluputan  ng packaging tape mula leeg hanggang kamay ang nadiskubreng  nakasilid  sa isang plastic drum na pinaanod  sa Muelle dela San Miguel ,sa Quiapo, Maynila , kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Rosemarie “Richie­” Aguinaldo, 30-35, residente ng  Bacoor, Cavite.

Sa ulat  ni SPO1  Carlito Siy, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa Muelle dela San Miguel, malapit sa Quinta market sa Quiapo.

Pataob umano ang porma ng lumulutang na drum nang mapansin kaya inusisa kung saan nadiskubre na may babaeng nakasiksik ng patiwarik sa loob. Hininalang may dalawa hanggang tatlong araw nang patay ang babae.

Sa inisyal na ulat, ang biktimang si Aguinaldo at ang live-in partner   nito ay kapwa nawawala matapos umanong imbitahang magtungo sa Quiapo ng isang mag-asawa.

Ang sinasabing mag-asawa na kilala sa alyas na Hapsa at Jamal, diumano ay residente ng Cavite at nagtutulak umano ng iligal na droga. Nagtataka ang pamilya ni Aguinaldo dahil noong Linggo ay nagbalot ng mga gamit ang sinasabing mag-asawa at inabandona na ang inuupahang bahay sa Cavite.

Posible umanong may kinalaman ang da­lawa sa pagkamatay ni Aguinaldo at sa live-in nitong si  Rodel Resera, 30 anyos.

Kamakalawa dakong alas-7:45 ng umaga nang matagpuan ang lumulutang na bangkay ng lalaki sa nasabing estero na nakabalot ng packaging­ tape ang buong ulo at mga kamay, may saksak sa balikat at sa kamay, na kinilala kahapon na si Rodel Resera.

 

BACOOR

CARLITO SIY

CAVITE

HAPSA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MUELLE

RODEL RESERA

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with