Lalaki nagbigti sa loob ng brgy. hall
MANILA, Philippines - Masusing sinisiyasat ng pulisya kung talagang nagbigti ang isang lalaki sa loob ng detention cell ng isang barangay hall kung saan ito ikinulong dahil sa pananakit sa anak ng kanyang kinakasama, kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si Richard Navarete, 36-anyos, residente ng Gawad Kalinga, Bagong Silang, ng naturang lungsodÂ.
Sa ulat ng Caloocan Police, unang dinakip ng mga barangay tanod si Navarete makaraang ireklamo ng live-in partner nito ng panggugulpi sa kanyang anak na babae na edad 13-anyos.
Pansamantalang ikiÂnulong si Navarete sa selda ng barangay hall ng Barangay 176 sa Bagong Silang at nagpalipas ng magdamag.
Dakong alas-5 ng madaling araw nang matuklasan ng naka-duty na tanod na nakabigti ang biktima sa loob ng selda gamit ang kanyang t-shirt na ipinulupot sa kanyang leeg.
Patuloy naman ngaÂyon ang imbestigasyon sa kaso upang matiyak na walang foul play sa naganap na insidente na maaaring sangkot ang mga tanod sa barangay hall.
- Latest