^

Metro

P3.5-M pabuya, tinanggap ng 5 ‘tiktik’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang impormante o ‘tiktik’ na nakapagbigay ng impormasyon para mabuwag ang ilang malalaking sindikato ng iligal na droga ang tumanggap ng gantimpala na mahigit sa P3.5 milyon cash mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang programa ay itinaguyod sa ilalim ng ‘PDEA: Operation Private Eye (OPE)’, para sa mga sibilyan na ma­ka­kapagbigay ng impormasyon sa kanila upang masugpo o mabuwag ang malalaking sindikato ng iligal na droga sa kanilang komunidad.

Ang limang impormante na nakatanggap ng tinatawag na monetary rewards ay kinilala sa kanilang mga alyas na Cold Ice 2, Storm, Tiger, Eboy and Playboy.

Sila ay nakapagbigay ng impormasyon na nagbigay daan para ma­buwag ang mga maliliit na shabu laboratory at matagumpay na pagka­kaaresto sa ilang malalaking drug personalities sa ginawang buy-bust operations.

 

AYON

CACDAC

COLD ICE

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EBOY AND PLAYBOY

LIMANG

OPERATION PRIVATE EYE

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with