^

Metro

Sekyu sugatan sa kapwa sekyu

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang guwardya ang su­gatan nang tamaan ito ng bala mula sa baril na pumutok na nililinis ng kasamahan nito na naganap sa kanilang guardhouse Valenzuela City kahapon ng umaga.

Ginamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang palad si Dennis Bilgera, 26,  stay-in sa Santo Rosario St., Bgy. Mapulang Lupa ng naturang lungsod. Hindi na dinakip ng mga pulis si Michael Dela Cruz, 25, ng Mendez St., Baesa, Quezon City dahil hindi na nagsampa ng kaso ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang in­sidente alas-6:30 ng umaga sa loob ng guardhouse na kanilang binabantayan sa Sublime Holding Incorpo­rated sa Santo Rosario St., Bgy. Mapulang Lupa ng na­turang lungsod.

Habang naka-duty ang biktima ay nililinis naman ni dela Cruz ang kanyang ser­vice firearm na kalibre .38.

Aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang naturag biktima, kung kaya’t kaagad itong dinala sa naturang ospital.

 

vuukle comment

BGY

DENNIS BILGERA

MAPULANG LUPA

MENDEZ ST.

MICHAEL DELA CRUZ

QUEZON CITY

SANTO ROSARIO ST.

SUBLIME HOLDING INCORPO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with