^

Metro

Rider itinumba sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang rider  nang barilin ito ng hindi pa kilalang suspek na nakasakay sa isang Sport Utility Vehicle (SUB) habang pinaparada ng una ang kanyang motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

 Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Rosendo Castillo, 44, residente ng M. Delos Santos St., ng naturang siyudad, nagtamo ito ng tama ng bala sa tadyang buhat sa kalibre .45 baril.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.

Lumalabas sa report na natanggap ni Police Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Investigation Division ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa panulukan ng Tolentino at Protacio Sts., ng naturang siyudad habang pinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo nang sumulpot ang isang SUV na hindi naplakahan.

Mula doon ay bumaba  ang suspek at walang salitang binaril ang biktima. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek. 

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

BLANGKO

DELOS SANTOS ST.

INVESTIGATION DIVISION

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

POLICE CHIEF INSPECTOR JOEY GOFORTH

PROTACIO STS

ROSENDO CASTILLO

SPORT UTILITY VEHICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with