^

Metro

Sa harap ng misis mister dedo sa Russian roulette

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang mister makaraang aksidenteng pumutok ang pinaglalaruan nitong baril sa harap ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Erickson Isidro, may-hawak ng kaso,  ang biktima ay nakilalang si Noel Maniulit, 40, residente ng  Kitanlad St., Brgy. Tatalon sa lungsod. 

Ayon kay Isidro, nangyari ang insidente ganap na alas -10:45 ng gabi. 

Bago ito, ayon kay Mari­len, asawa ng biktima, nanonood siya ng telebisyon nang tawagin siya ng biktima na naglilinis naman ng kanyang baril para ipakita sa kanya kung papaano ito paglaruan kasabay ng pagtutok pa ng biktima sa kanyang sentido ng baril.

Gayunman, sa ganitong sitwasyon ay aksidenteng nakalabit umano ng biktima ang gatilyo ng baril at pumutok ito sanhi para tamaan siya sa ulo.

Agad na dinala ang biktima sa Saint Luke’s Medical Center pero idineklara din itong dead on arrival.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa kuwarto ng biktima ang isang Remington cal. 45  at isang tingga nito.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

BULAGTA

ERICKSON ISIDRO

KITANLAD ST.

MEDICAL CENTER

NOEL MANIULIT

SAINT LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with