Sinolo ang mikropono, dinedo sa gulpi
MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki makaraang abangan at bugbugin ng tatlo katao na nabuwisit dahil sa hindi pagtigil sa pagkanta at hindi pagpasa ng mikropono ng biktima sa loob ng isang videoke bar, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang nakilalang si Bryan Timpug, 26-anyos, ng Hito Street, Brgy. Longos, MaÂlabon City.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan sa tatlong salarin na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Joselito Barredo, Jr., naganap ang insidente dakong ala- 1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Tanigue St., Brgy. 14, Caloocan City. Inabangan ng mga salarin ang biktima at nang mag-isa ay pinagtulungang gulpihin hanggang sa gulay na nang lubayan ito.
Ayon sa ulat , bago ang insidente ay nakitang kumaÂkanta ang biktima sa loob ng isang videoke bar ngunit nang malasing ay hindi na nito tinigilan ang pagkanta. Labis na ikinainis ito ng ibang mga kostumer na may nakalinya ring kanta ngunit maging ito ay inawit ng biktima.
Nagkaroon ng komprontasyon ngunit naawat rin ito ng mga tauhan ng bar hanggang sa una nang nagsialis ang grupo ng mga suspek. Lingid sa kaalaman ng biktima ay inabangan na ito ng mga nakaaway na nagresulta sa kanyang pagkakasawi.
- Latest