Paninigarilyo, bawal na sa mga presinto
MANILA, Philippines - Ipinagbabawal na ang paninigarilyo sa mga himpilan ng pulisya na sakop ng Eastern Police District (EPD).
Ito ay batay sa kautusan ng newly installed EDP Director P/Chief Supt. Abelardo Villacorta.
Nabatid na sakop ng verbal order ng heneral ang lahat ng gusali ng headquarters ng EPD, kabilang na ang Marikina City Police, Mandaluyong City Police, Pasig City Police at San Juan City Police.
Ayon kay EPD Spokesperson PO2 Catherine CaÂpinpin, ipinalabas ni Villacorta ang kautusan matapos na napansin ang nagkalat ng mga upos ng sigarilyo sa harapan ng mga PNP building.
Samantala, para lalong palakasin ang magandang relasyon sa pagitan ng mga law offenders at nang pulisya ay dumalaw ang bagong talagang heneral sa Pasig City Jail sa Nagpayong St., Brgy. Pinagbuhatan kamakalawa.
- Latest