680 pamilya nasunugan sa Caloocan, nanawagan ng tulong
MANILA, Philippines - Patuloy sa paghingi ng tulong sa nasyunal at lokal na pamahalaan ang daan-daang pamilyang nasunugan sa Caloocan City makaraang matupok ng malaking sunog ang kanilang mga tahanan nitong nakaraang Sabado.
Kabilang sa hinihinging tulong ng nasa 680 pamilya na nawalan ng tahanan sa Brgy. 86, Kalaanan Compound, ng naturang lungsod ay pinansyal buhat sa pamahalaan upang maitayo ang kanilang mga natupok na bahay.
Sinabi ni Caloocan Public Information Office head, Gigi David na una nang nagbigay si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa mga pamilyang nasunugan habang hinaÂyaan munang pansamantalang tumuloy ang mga ito sa bakanteng lote sa may William Shaw habang muling itinatayo ang kanilang mga bahay.
Duda naman ang ilang residente sa sanhi ng sunog matapos na kumalat ang tsismis na kinukuha umano ang naturang lupain na kinatitirikan ng kanilang mga bahay ng isang malaking kompanya na nais magtayo ng shopping mall sa lungsod.
- Latest