^

Metro

7 VK kinumpiska sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng patuloy na kampanya ng lungsod ng Maynila  laban sa illegal na sugal, pitong video karera machines ang kinumpiska ng  mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA).

Batay sa report na isinumite ni Sr.Insp. Ness Vargas kay MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., nakuha ang mga VK sa Osmeña (1), Quezon (1), Bilbao Sts. (2) at sa NHA Housing Aroma Cmpd. Road 10 (3), pawang nasasakupan ng Tondo, Maynila.

Lumilitaw sa report na nakatanggap ng  tawag  ang  MASA  mula sa isang concerned citizen at inirereklamo ang umano’y talamak na VK sa  lugar. Agad  na inutos ni  Irinco ang  surveillance kung saan mabilis namang umaksiyon  ang  tropa ni Vargas.

Dakong alas-7 ng gabi noong Biyernes nang  sa­lakayin ng mga awtoridad ang  mga nasabing lugar at sabay-sabay na kinumpiska ang VK.

 

vuukle comment

BERNABE IRINCO JR.

BILBAO STS

CHIEF INSP

HOUSING AROMA CMPD

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MAYNILA

NESS VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with