^

Metro

Kapabayaan sa loob ng tahanan ugat ng madalas na sunog – BFP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapabayaan sa loob ng bahay ang madalas na ugat ng sunog sa maraming lugar sa bansa, kaya naman upang mabawasan ang ganitong pangyayari, target ng Bureau of Fire Protection (BFP) na bumaba sa lebel ng barangay upang turuan ang bawat pamilya ukol sa tamang pag-iwas sa sunog.

Ayon kay Senior Supt. Igmedio Bondoc, officer in charge ng Directorate for Fire Safety and Prevention, ang nasabing programa ay upang mapalapit ang kanilang kagawaran sa publiko, at upang turuan sila kung papaano maiiwasan ang pagkakaroon ng sunog sa kanilang tahanan.

Sabi ng opisyal, ang sunog ay walang pini­pili, mayaman o mahirap, matanda o bata ay ma­aaring maging biktima. At ang pangunahing sanhi anya ng sunog ay ang kapabayaan sa loob ng tahanan

 Dahil dito, ang pagtuturo sa bawat pamilya ay importante para masanay at mabuksan ang kanilang isipan kung papaano ang tamang pag-iwas sa sunog.

Sinimulan ng kagawaran ang pagtuturo sa Barangay Damayang lagi sa Quezon City kung saan may 150 constituents ang dumalo.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY DAMAYANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHIL

FIRE SAFETY AND PREVENTION

IGMEDIO BONDOC

KAPABAYAAN

QUEZON CITY

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with