^

Metro

Pahinante sugatan sa holdap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 45-anyos na pahinante ng fish delivery truck  nang saksakin ng isa sa limang holdaper matapos pumalag ang una  sa intersection ng Road 10 at Lakandula St., Tondo, Maynila.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa University of Santo Tomas Hospital ang biktimang si Marcelino Capitan, truck helper,  ng Brgy. Sokol, Calamba City, dahil sa sugat na tinamo sa dibdib.

Natangay pa rin ng hindi pa kilalang mga suspek ang bag na naglalaman ng P100,000.

Sa ulat ng MPD-Station 2, dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente nang matrapik umano ang minamanehong  delivery truck (XTZ-724) ni Nicolas Trollano, 33, ng Calamba City, Laguna, kung saan sakay din ang truck helper na si Capitan.

Galing umano sa Navotas Fish Port ang nasabing truck nang harangin  ng mga suspek at akyatin ang kanilang truck sabay tutok ng patalim kay Capitan ng isa habang ang apat pa ay kinukulimbat ang nasabing bag, mga wallet at cellphone.

Sinasabing pumalag si Capitan kaya siya tinarakan ng isa sa mga suspect.

vuukle comment

BRGY

CALAMBA CITY

KASALUKUYANG

LAKANDULA ST.

MARCELINO CAPITAN

MAYNILA

NATANGAY

NAVOTAS FISH PORT

NICOLAS TROLLANO

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with