^

Metro

Bumati ng happy birthday, kritikal sa taga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang lalaki makaraang tagain ng isang mister na nagselos matapos na batiin ng una ng “Happy Birthday” ang misis ng suspek, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa taga sa ulo at katawan ang biktimang si Randy Sabanal, 30, ng Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod.

Tumakas naman ang salarin na nakilalang si Jeffrey Miranda­, alyas Jeffrey Kabayo, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng Malabon Police, dakong alas-2 ng madaling araw nang batiin umano ni Sabanal ng “Happy birthday” ang misis ni Miranda na nagtatrabaho sa loob ng isang videoke bar sa naturang lugar.

Dito nagalit si Miranda na kinompronta ang biktima at humantong sa mainitang pagtatalo.  Naawat naman agad ito ng mga kasamahan hanggang sa magsiuwian na.

Lingid kay Sabanal, inabangan ito ng suspek na si Miranda na armado ng itak at pinagtataga nang maabutan sa isang kalsada. (

vuukle comment

DR. LASCANO ST.

HAPPY BIRTHDAY

JEFFREY KABAYO

JEFFREY MIRANDA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MALABON CITY

MALABON POLICE

MIRANDA

RANDY SABANAL

SABANAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with