P150-M ospital sa Malabon
MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng bagong pagamutan ang lungsod ng Malabon makaraang mapilitang maglabas ng P150 milyong pondo si Pangulong Benigno Aquino III matapos pagbigyan ang kahilingan ng pinsan na si Mayor Lenlen Oreta.
Kamakailan, opisyal na pinangunahan ni Oreta at ni Congressman Jaye Lacson ang “groundÂbreaking cereÂmony†sa itatayong tatlong palapag na bagong ospital sa tabi ng Malabon City Hall.
Sinabi ni Oreta na nagbunga ang pangungulit niya sa pinsang si Aquino na nagawang makahanap ng pondo buhat sa Office of Civil Defense nang maawa umano ito matapos na makita na lumang-luma na ang Pagamutang Bayan ng Malabon.
Nagpasalamat rin naman si Lacson sa Pangulo dahil sa wakas ay matutupad na ang dalangin ng mga taga-Malabon sa pagkakaroon ng bagong ospital na labis na makatutulong sa problemang pangkalusugan.
Ikinuwento ni Lacson na dati na silang nagkasundo ni dating Mayor Tito Oreta na pagtutulungan nila na makapagtayo ng bagong ospital subalit hindi na naisakatuparan nang pumanaw ito.
Gayunpaman, nagpapasalamat siya kay Mayor Lenlen Oreta sa pagpapatuloy sa pangarap ng tiyuhin na naisakatuparan nito.
- Latest