^

Metro

May sakit sa pag-iisip, nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyang winakasan ng isang lalaki na may problema sa pag-iisip ang sarili nitong buhay makaraang magbigti sa loob ng kanyang kuwarto, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Isinugod pa sa Chinese General Hospital ngunit idi­neklarang wala nang buhay si Alberto Malacad, 27, ng Tagaytay St., Bo. San Jose, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:10 ng gabi nang madiskubre ng mismong ama ang nasawi na nakabigti sa loob ng kuwarto nito nang tawagin dahil sa hindi pa ito kumakain ng almusal. Gamit umano nito ang isang nylon straw na ikinabit sa may bubungan sa kanyang pagbibigti.

Nabatid din sa mga kaanak na labas-pasok na sa pa­gamutan ang biktima dahil sa problema sa pag-iisip.  Minsan na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan din ng pagbibigti ngunit naagapan ito noon.

vuukle comment

ALBERTO MALACAD

CALOOCAN CITY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GAMIT

ISINUGOD

MINSAN

NABATID

SAN JOSE

TAGAYTAY ST.

TULUYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with