^

Metro

Bebot tinarakan sa ulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabaon pa sa ulo ng isang 19-anyos na dalaga ang isang patalim nang magtungo ito sa pagamutan makaraang saksakin ng nakaaway na babae, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center ang biktimang nakilalang si Mylene dela Cruz, ng Phase 3 Pla-pla St., Brgy. Longos, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga tauhan ng Malabon City Police ang itinuturong suspek na nakilala sa pangalang Danica.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama ang pinsan na si Alma Dela Cruz sa naturang kalsada nang biglang sumulpot ang suspek na si Danica at kinompronta ang una tungkol sa kanilang alitan.

Humantong ang pagtatalo sa sabunutan at suntukan ng hanggang sa magbunot ng dalang patalim ang suspek at tarakan ang biktima sa ulo saka mabilis na tumakas.

Nabatid na nakatarak pa ang patalim sa ulo ni Dela Cruz nang isugod ito sa pagamutan. Natakot umano kasi ang mga unang rumesponde na bunutin ang patalim sa takot na baka makasama ito sa kalagayan ng biktima at hinayaan na lamang ang mga manggagamot na siyang gumawa nito.

vuukle comment

ALMA DELA CRUZ

BRGY

CRUZ

DANICA

DELA CRUZ

HUMANTONG

JOSE REYES MEMORIAL ME

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with