^

Metro

Informal settlers sa Pasig River, wawalisin ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pag-arangkada ng Pasig River Ferry System sa susunod na buwan asahang magiging mabango at malinis ang naturang ilog dahil pun­tirya ngayon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na walisin o tanggalin ang lahat ng informal settlers na naninirahan sa tabi nito.

Nabatid kay  MMDA planning officer Rey Lunas, ang pagtatapon ng dumi at basura ng mga informal settlers na nakatira malapit sa ilog ang dahilan kung kaya’t marumi at mabaho ang amoy sa Pasig River.

Isa ito sa  mga alternatibong pampublikong transportasyon para maiwasan ang inaasahang mabigat na daloy na trapiko dahil sa nalalapit  na implementasyon ng infrastructure road projects ng gobyerno.

Una nang sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na full blast na ang operasyon ng Pasig River Ferry System sa huling linggo ng buwan ng Abril.

Nabatid kay Tolentino, walong ferry boats ang nakatakdang patatakbuhin ng mga pribadong grupo. Magsisimula aniya muna sa limang ferry stations o terminal ang magsisibiling dadaungan ng mga ferry at ito’y inaasahang madagdagan pa ng pitong stations.

Kabilang sa limang station ay ang  Guadalupe sa Makati City; Sta. Ana sa Sta. Ana, Manila; Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila; Escolta sa Binondo, Manila  at Plaza Mexico sa Intramuros, Manila.

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NABATID

PASIG RIVER

PASIG RIVER FERRY SYSTEM

PLAZA MEXICO

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

REY LUNAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with