^

Metro

Kaloob ng QC government cash incentives sa honor students

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkakalooban ng cash incentives ng Quezon City government ang mga matatalinong mag -aaral sa public elementary at high school sa lungsod ngayong graduation.

Ito ay makaraang aprubahan ni QC Mayor Herbert Bautista ang paglalaan ng P1.42 milyon bilang cash incentives sa mga honor students sa lahat ng pampublikong paaralan sa kanyang nasasakupan.

Sa ilalim ng programang ito,tatanggap ng P5,000 cash incentive ang class vale­dictorians; P3,000 sa salutatorians; at P2,000 sa first honorable mentions.

Kaugnay nito, inaprubahan din ni Bautista ang pagpapalabas ng P1.695 milyon bilang subsidiya sa commencement exercise sa lahat ng public schools sa lungsod.

Ang halaga ng budget para dito ay ibabatay depende sa laki ng populasyon ng mga mag -aaral sa bawat paaralan.

Una rito, sinabi ni QC division of schools supe­rintendent Ponciano Meguito na ang graduation rites ng mga public  schools sa lungsod ay mula March 24  hanggang  28 para sa may mahigit 70,000 mag-aaral na magsi­sipagtapos sa public ele­mentary at high schools  ngayong taon.

Tiniyak din ni Meguito sa mga magulang ng mga graduates­ na walang cash collection para sa schools graduation rites. School uniform anya ang gagamitin ng mga magsisipagtapos na mag-aaral.

BAUTISTA

KAUGNAY

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MEGUITO

PAGKAKALOOBAN

PONCIANO MEGUITO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with