Bading natagpuang patay sa underpass
MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang umano’y bading ang natagpuang patay sa underpass ng Padre Burgos sa Ermita, Maynila.
Nakakuha ng impormasÂyon si PO2 Michael Maraggun ng Manila Police District-HoÂmicide Section na ang biktima ay kilala lamang sa alyas na Darna, nasa 40-42 ang edad. may taas na 5’5’’-5’7’’, walang permanenteng address at may tattoo na “Darna†at “Buddy†sa katawan, na nakasuot ng t-shirt na kulay puti at maong na shortpants.
Nakabaluktot umano o fetal position ang nasabing biktima nang madiskubre dakong alas- 6:00 ng umaga sa kalsada ng underpass.
Hinihinalang namatay sa sakit ang biktima dahil walang nakitang sugat o indikasyong pinaslang ito, ayon kay Maraggun.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima kamaÂkalawa ng alas-8:00 ng gabi nang makisuyo ito sa isang Ryan Banigued na ibili siya ng tinapay.
Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
- Latest