Greyhound operation sa Pasay City jail, inilunsad
MANILA, Philippines - Dahil sa naganap na riot noong Sabado ng hapon na ikinasugat ng tatlong bilanggo, nagsagawa ng dalawang araw na “greyhound operation†ang pamunuan ng Pasay City Jail at nakakumpiska sila ng mga patalim.
Sa pahayag kahapon ni Pasay City Jail Warden Supt. Clint Russel Tangeres, una silang nagsagawa ng inspeksiyon noong Linggo sa ikatlong palapag ng naturang kulungan na dito nakaselda ang mga miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’ at nakumpiska nila ang 11 pirasong nail cutters, 9 tin can cover, 1 samsung charger, 7 pirasong kutsara, dalawang tinidor at 10 pirasong uncut toothbrush.
Noong Lunes, alas-3:30 ng hapon ay muling nagsagawa ng sopresang inspection ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) sa ika-apat na palapag, na dito naman nakaselda ang grupo ng Batang City Jail (BCJ) kung saan nasamsam din ang mga matutulis na bagay na ginagamit umanong improvised weapon ng mga preso .
Ipinahayag pa ni Tangeres na nasa 186 na pirasong electric fans ang nakakabit sa buong kulungan at ito ay kanila nang tinanggal ang mga takip (steel covers) nang matuklasang ito ang sinisira ng mga preso at ginagawang patalim .
Pinasemento na rin nila ang pintong dadaanan ng BCJ na galing sa ika-apat na palapag at maging sa ikatlong palapag para tuwing may mga dalaw ang mga ito ay hindi nagkakabanggaan o nagkakatitigan na naging sanhi ng kanilang pag-aaway.
Pansamantala munang ipinagbawal ang dalaw ng babaeng nobya ng isang preso na isang miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik’ na naging ugat nang bangayan ng dalawang grupo.
Matatandaan, na noong Sabado ng hapon sugatan ang tatlong preso matapos mag-riot ang grupo ng ‘Sputnik ‘ at ‘BCJ’.
- Latest