Batang hamog na mandurukot hinabol mister nadukutan na, nabundol pa
MANILA, Philippines - Nadukutan na, nabundol pa.
Ito ang masaklap na nangyari sa isang mister na ngaÂyon ay nasa kritikal na kondisyon sa ospital matapos ang insidente sa lungsod Quezon, kahapon ng maÂdaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Noel Abarga, 54, ng Kapiligan St., Brgy. Doña Imelda, sa lungsod. Si Abarga ay nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan at kasalukuyang nakaratay sa East Avenue Medical Center.
Ang driver ng Hyundai Accent sedan MGE taxi (UND-317) na nakabundol sa biktima na si Ireneo Supe, 48, ay hawak na ngayon ng awtoridad.
Ayon kay PO2 Leonardo Policarpio, ng Quezon City Traffic Sector 4, nadisgrasya ng taxi ang biktima makaraang tangkain nitong habulin ang isang batang hamog na nandukot sa kanyang wallet.
Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng E. RodriÂguez Avenue malapit sa panuÂlukan ng G. Araneta Avenue, Brgy. Doña Imelda, ganap na alas-2:30 ng maÂdaling-araw.
Pasakay sana umano ng pampasaherong jeepney ang biktima nang biglang dukutin ng isang batang hamog ang kanyang wallet at nagtatakbo papalayo sa may nasabing lugar.
Sa kagustuhang mabawi hinabol ng biktima ang bata, pero habang papatawid sa E. Rodriguez Avenue ay bigla itong nabundol ng taksi na minamaneho ni Supe na gaÂling sa direksyon ng Welcome Rotonda patungo Cubao.
Sa tindi ng pagkakaÂbangga ay nawalan ng ulirat ang biktima. Agad namang dumating ang rescue team ng MMDA at isinugod ang biktima sa East Avenue MeÂdical Center kung saan ito inoobserbahan.
Sabi ng imbestigador, perwisyo talaga ang inaabot ng mga mananakay sa mga batang hamog na kung hindi mandurukot ay manghahablot ng kuwintas o hikaw para lang may pambili ng droga.
Samantala, kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury ang kinakaharap ngayon ng driver.
- Latest