^

Metro

Suspek sa murder, timbog makalipas ang 12 taon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip na kahapon makalipas ang may 12-taon ang isang 38-anyos na vendor na sangkot sa karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang kasamahan sa Quiapo, Maynila. 

Binitbit ng mga elemento ng Manila Police District-Homicide Section,   ang suspek na si Federico Perez, 38,  biyudo, residente ng Quiapo, Maynila dakong ala-1:45 ng hapon, habang  ito ay nagtitinda.

Positibong itinuro ng biyudang si Imelda  San Jose, ng E. Concepcion Aguila St., Quiapo ,Maynila  ang suspek na siyang pumatay sa mister niyang si Reynaldo San Jose.

Lumuwa umano ang puso ng biktima nang tagain sa dibdib ng suspek habang natutulog at nagpapahinga sa kanilang trabaho sa Lapid Food Corporation   noong Mayo 14, 2002.

Dahil sa impormasyon na nakalap ni Imelda na ipinarating sa Homicide Section, isinailalim sa surveillance ang suspek na may isang taon na ring nagbalik sa Quiapo, simula nang magtago at magpalipat-lipat umano ng lugar.

Aminado ang suspek na natakot siyang sumuko noon kaya nagtago muna, subalit lumantad lamang para mag­hanapbuhay. Nag-ugat umano ang alitan sa pagitan ng suspek at biktima dahil napapahiya ang suspek bilang garantor sa inutang ng biktima na 5’6’’ na hindi nahuhulugan.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek.

CONCEPCION AGUILA ST.

FEDERICO PEREZ

HOMICIDE SECTION

IMELDA

LAPID FOOD CORPORATION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

REYNALDO SAN JOSE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with