^

Metro

Tawag ni kamatayan, mister itinumba sa harap ng misis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang  isang 35-anyos na mister nang makipagkita sa isang kakilala na bumaril sa kanya sa  ulo sa harap ng kanyang misis, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si  Ranil Espiritu, residente ng Quintos  St., Sampaloc, Maynila.

Itinuturong salarin ang isang Ryan Gonzales, na residente ng Bambang St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni  SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Ma. Clara at Quintos Sts.,  Sampaloc, Maynila.

Ayon sa misis ng biktima na si Alma, natutulog na sila nang tawagan ang kanyang mister sa cellphone at  pina­papunta umano ito sa isang lugar ng suspect.

Pinagbigyan at nag­tungo ang mag-asawa sa lugar kung saan dinatnan nila ang suspek at da­lawa pang lalaki na nag-iinuman.

Umupo ang biktima sa tabi ng suspek at saka nag-usap hanggang sa magtalo na umano ang dalawa.

Bumunot umano ng baril ang suspek at itinutok muna sa likod ng tenga ng biktima hanggang sa tuluyan itong pinaputok.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang suspek at da­lawang kainuman nito  sakay ng isang tricycle.

Isinugod naman sa University of Santo Tomas Hospital ang biktima na namatay dakong ala-1:00 ng madaling-araw.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang motibo at maaresto ang tumakas na suspek.

vuukle comment

BAMBANG ST.

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

QUINTOS STS

RANIL ESPIRITU

RYAN GONZALES

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with