^

Metro

Kelot tumalon mula sa railing ng LRT

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaking tumalon mula sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Romuel Joves, 25, binata, ng Kalayaan Village, Brgy.  201 ng naturang siyudad

Sa sketchy report ng Pasay City Police Homicide Section, naganap ang insidente alas-8:00 ng umaga sa  railing ng train na kumokonekta sa  LRT  at MRT sa Taft at EDSA Avenue ng naturang lungsod.

Nabatid na kasama ng nasawi ang inang si Ludy Briones, 66,  at patungo sana ang mga  ito ng PCGH dahil magpapa-check-up ang biktima.

Ayon sa ina bigla na lamang umalis ang anak at tinangka niya itong sundan, subalit mabilis na nakaakyat ito  sa tulay  ng  LRT-MRT   at isinagawa na ang pagtalon. Huli na bago  ito napigilan ng ginang.

Nabatid pa rin sa nanay ng biktima na  matinding depression ang isa sa mga dahilan nang pagpapatiwakal ng kanyang anak at ilang araw na aniya itong hindi natutulog dahil sa panlalait ng kanilang mga kapitbahay na nagsasabing dalhin ito sa mental hospital.

Posible rin aniyang nag-isip ng malalim ang biktima dahil pinalalayas na umano sila sa kanilang tinitirhang bahay at lupa  ng  ibang babae ng kanyang ama na ang kasong civil ay naka-pending  sa Pasay City Regional Trial Court. Dali-daling isinugod ang biktima ng Pasay City Rescue Team, subalit hindi na ito umabot ng buhay. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

 

KALAYAAN VILLAGE

LIGHT RAIL TRANSIT

LUDY BRIONES

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE HOMICIDE SECTION

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

PASAY CITY RESCUE TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with