^

Metro

Bangkay ng mag-ina natagpuan sa BGC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakahandusay ang walang buhay ng mag-ina nang matagpuan ng mga awtoridad ngayong Huwebes sa kahabaan ng C5 Road sa Taguig City malapit sa Treston International College sa Bonifacio Global City.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) director  Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte na bandang ala-6 ng umaga nakita ang bangkay ng mag-ina sa may paanan ng poste ng kuryente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima, kabilang ang ina na naglalaro sa edad na 30-34 anyos na nakasuot ng pulang t-shirt at asul na pantalon.

Nakitaan din ng tama sa ulo ang mga biktima na maaaring nakuha sa paghampas ng matigas na bagay, ayon pa kay Villacorte.

Dagdag niya na may bahid ng dugo ang ilang bato malapit sa bangkay ng mga biktima.

"Investigators found at the crime scene rocks which have traces of blood. But we are still investigating," wika ni Villacorte.

Kasalukuyan namang kinukuhaan ng salaysay ang testigo na nakakita sa mga biktima bandang alas-10 ng gabi kagabi.

Sinabi ng testigo na nakikipag-usap ang nakatatandang biktima sa isang hindi pa nakikilalang lalaki.

"The witness saw the woman who was holding the child, talking with the man while they were seating on the pavement gutter," banggit ni Villacorte.

Dinala na ang bangkay ng mag-ina sa Lady of Loreto Funeral Homes sa Taguig City.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CHIEF SUPERINTENDENT JOSE ERWIN VILLACORTE

DAGDAG

DINALA

LADY OF LORETO FUNERAL HOMES

SINABI

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

TRESTON INTERNATIONAL COLLEGE

VILLACORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with