Giit na pag-aalis sa truck ban, ikinairita ng MMDA
MANILA, Philippines - Nairita kahapon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa ilang lider ng grupo ng mga trucker matapos na tumangging lumagda ang mga ito para pansamantalang solusyunan ang problema sa pagitan ng mga trucker at pamahalaang lungsod ng Maynila kaugnay sa daytime truck ban.
Martes ng gabi ay nagkaroon muli ng pagpupulong sa tanggapan ng MMDA na dinaluhan ng mga grupo ng mga trucker para solusyunan ang problema sa truck ban.
Subalit, nairita si Tolentino sa ilang leader dahil hindi pumayag ang mga ito na lumagda hinggil sa pansamantalang experimental solution sa naturang problema.
“Sa kanila nanggaling ang ganitong proposal, tapos nang mapagkasunduan na, naiba na naman ang kanilang kagustuhan at ang nais nila ay wala ng truck ban at bigyan sila ng isang linya sa lansaÂngan na kanilang daraanan, hindi naman puwede ito,†ani Tolentino.
Nabatid na dumalo sa pagpupulong sina Pasay City Mayor Antonino Calixto at ParaÂñaque City Mayor Edwin Olivares.
Sinabi pa ni Tolentino na nagpadala na sila ng sulat kay Manila Mayor Joseph Estrada para magkaroon muna ng experiment sa pagpaÂtupad ng naturang ordinansa sa loob ng unang 15 araw na pinagkasunduan ng Metro Manila.
Ayon naman kay Manila Vice Mayor Isko Moreno na nagustuhan ng mga estudÂyante, guro, mga empleyado sa gobyerno at pribado ang implementasyon ng daytime truck ban.
Ito ay dahil sa maluwag at maginhawang pagbibiyahe nila sa mga lansangan at hindi na nahuhuli sa kanilang mga klase at pasok sa mga tanggapan. Gayunman, sinabi ni Moreno na patuloy pa ring pinag-aaralan ng city council kung kailangang magkaroon ng modipikasyon sa daytime truck ban, pero kailangan munang sumunod pansamantala ang lahat sa mga napagkasunduan.
Patuloy naman ang isinasagawang protesta ng mga driver at operators sa North Harbor kaugnay ng maÂtindi nilang pagtutol sa daytime truck ban.
Nanawagan si Ricky Papa, pangulo ng ConÂfederation of Truck Operators kay Manila Mayor Joseph Estrada na isusÂpinde ang daytime truck ban at nakahanda silang umupo sa negotiating table.
Binara naman ito ni Estrada sa pagsasabing kaÂilangan muna nilang sumunod sa batas.
Sa gitna pa ng lalong umiinit na isyu sa truck ban, siniÂmulan na ring ipagbawal ng Manila City government ang mga nakaparadang trak sa kalye, para umano mas mabawasan ang matinding trapik.
Kahapon, maging ang mga manggagawa ng PPA ay sumali na rin sa kilos-protesta, kung saan nagawa pang basagin ng mga nagpo-protestang trucker ang salamin ng towing truck pasado alas- 4:00 ng madaling araw, sa labas ng PPA. Wala namang naaresto sa nasabing insidente.
Hinamon din ni Mayor Estrada ang pamunuan ng PhilipÂpine Ports Authority (PPA) na gamitin bilang paradahan ang malaking lote ng PPA na aabot umano sa 8 hanggang 10 ektarya na magkakasya umano ang mga nakahambalang na trak sa Delpan Bridge sa Tondo,
“Meron dun walo, sampung hektarya dun na bakante, walang nakaparada, bakit hindi nila papasukin itong mga trak nila?†ani Estrada sa panayam sa kanya ng isang teleradyo program kahapon.
- Latest