^

Metro

Shootout: 2 miyembro ng ‘Estribo gang’ utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong miyembro ng kilabot na ‘Estribo gang’ ang nasawi makaraang maki­pagpalitan ng putok sa mga awtoridad, ilang segundo matapos holdapin ang isang pampasaherong jeepney sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang isa sa nasawing suspek sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Leonardo Alvarez Jr., ng Sta. Cruz, Manila, habang inalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasamahan nito. Positibo rin silang kinilala ng kanilang mga nabiktima.

Narekober din sa mga suspek ang isang Alcatel mobile phone at cash money na P2,695 at isa pang Nokia cell­phone at cash na P1,600 mula sa kanilang naging biktima.

Ang mga suspek ay nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa tropa ng mobile patrol unit ng Police Station 11 na sina PO3 Michael Soriano, at PO2 Aslimar Pajardo.

Nangyari ang insi­dente sa harap ng isang bahay sa Quezon Avenue, Brgy. Tatalon, ganap na ala-1:10 ng madaling-araw.

Nabatid na nagpanggap na pasahero ang mga suspect at sumakay sa jeep na  mina­maneho ni Francisco Jarliga at  pagsapit sa may Banawe  sa Quezon Avenue ay doon nagdeklara ng holdap kung saan kinulimbat ang mga gamit ng mga pasahero.

Tiyempong nagpa­patrulya ang mobile car ng dalawang pulis sa lugar at napuna ang komosyon sa jeepney dahilan para sundan nila ito.

Nang huminto ang jeepney, biglang nagpulasan pababa ang mga suspek saka pi­naputukan umano ang mga pulis dahilan para pagbabarilin na sila ng mga huli na kanilang ikinasawi, habang nakatakas naman ang isa pa nilang  kasamahan.

Narekober din sa lugar ang isang ka­libre  38 baril at isang ka­libre 22 na baril na may mga lamang bala, at 21 basyo pa ng bala ng kalibre 9mm, ka­libre 45.

 

vuukle comment

ASLIMAR PAJARDO

FRANCISCO JARLIGA

LEONARDO ALVAREZ JR.

MICHAEL SORIANO

NAREKOBER

POLICE STATION

QUEZON AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with