Alahasan sa QC nilooban!
February 25, 2014 | 11:00am
MANILA, Philippines – Nilooban ng hindi bababa sa apat na katao ang isang alahasan sa Cubao, Quezon City ngayong Martes ng umaga.
Ayon sa mga ulat, lulan ng dalawang motorsiklo ang mga suspek na pinagnakawan ang isang First Allied Emporium Jewelry Inc. sa ground floor ng New Farmers Plazal mall sa Quezon City.
Nagawang paputukan ng security guard ang mga suspek ngunit nakatakas ang mga ito patungong EDSA.
Inaalam pa sa ngayon ang halaga ng mga natangay na alahas at pagkakakilanlan ng mga suspek.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended