^

Metro

Kelot, todas sa motorsiklo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang namatay  matapos masagasaan ito ng humaharurot  na motorsiklo  habang  sugatan  naman ang kusinero na nakasagasa rito nang tumilapon ito kahapon ng umaga  sa Pasay city. Dead on the spot ang biktimang si Edgardo Sagun, residente ng Makati City matapos na magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan habang tumilapon naman ng may 20-metro mula sa pinangyarihan ang driver ng motorsiklo na si Edmund Balderan, 31, kusinero ng isang restaurant sa Diosdado Macapagal Ave., Pasay City.

Nilalapatan ito ng lunas sa nabanggit na ospital at idineklara ng mga doctor  na ligtas na.
 Sa imbestigasyon ni PO3 Ma­rianito Agas, ng Pasay City Traffic Management Unit, nangyari ang insidente alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Roxas Blvd. patungong EDSA Ave., ng nabanggit na lungsod.
   

Ayon kay Balderan, tinatahak niya ang kahabaan ng Roxas Blvd., patungong EDSA Ave. nang biglang tumawid ang biktima mula sa madilim na bahagi ng lansangan sa pagitan ng Libertad St. at EDSA Ave. at  nahagip pa rin ang biktima.
  

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isa­sampa ng pulisya laban kay Balderan sa Pasay City Prosecutors Office habang inilagak naman ang bangkay ni Sagun sa Malaya Funeral Homes. Sinabi ni Agas na rerebisahin din nila ang kuha ng CCTV camera sa lugar upang magamit sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon. 

 

vuukle comment

BALDERAN

DIOSDADO MACAPAGAL AVE

EDGARDO SAGUN

EDMUND BALDERAN

LIBERTAD ST.

MAKATI CITY

MALAYA FUNERAL HOMES

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with