P1-M natupok sa sunog
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit sa P1 milyon mga ari-arian ang naabo at nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Caloocan City kamaÂkalawa ng gabi.
Ayon sa Caloocan City Fire Department, alas-6:15 ng gabi nang maganap ang sunog sa Malolos Avenue, Bagong Barrio ng naturang lungsod kung saan natupok ang 20 kabahayan.
Alas-7:50 ng gabi nang maapula ang apoy nang ruÂmesponde ang mga bumbero at umabot sa P1.5 milyon mga ari-arian ang pinsala.
Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan kung saan inaalam na kung kanino at ano ang pinagmulan ng apoy.
- Latest