^

Metro

16 vendors tiklo sa pagbebenta ng sex toys

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 16 na vendors ang inaresto ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) na nagbebenta ng mga sex toys at gadgets sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila kahapon.

Sa utos ni Manila Mayor Joseph Estrada, sinalakay ng mga tauhan ni Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., hepe ng MASA ang kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz at Gonzalo Puyat St., sa Quiapo, sa Maynila alas-9 ng umaga.

Pinangunahan ni Sr. Insp. Ness Vargas, deputy chief ng MASA, ang pagsalakay at pag-aresto sa 16 na vendors­ na pawang sa gitna ng daan nagtitinda ng sex toys at gadgets na sina­sabing naka­kasagabal sa daloy ng trapiko at nakaka­abala sa mga naglalakad sa kalye.

Ayon kay Vargas, walang mga kaukulang permit para makapagtinda sa Sta. Cruz at Quiapo ang mga ina­restong vendors kung kaya’t sasampahan sila ng kasong obstruction sa piskalya.

Matapos ang operasyon laban sa mga nagtitinda sa daan, limang video karera machines naman ang nakumpiska ng mga tauhan ng MASA sa pangunguna pa rin ni Vargas sa kahabaan ng Elias at Blumentritt Sts. Sa Sta. Cruz, Manila.

Sinalakay nina Vargas ang nasabing lugar base sa reklamo ng mga residente kaugnay sa laganap na pagkalulong ng mga kabataan sa iligal na sugal.

BERNABE IRINCO JR.

BLUMENTRITT STS

CHIEF INSP

CRUZ

GONZALO PUYAT ST.

MANILA CITY HALL-MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

RIZAL AVENUE

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with