^

Metro

Kelot tiklo sa shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang isang  54-anyos na lalaki matapos na makuhanan ng may 100 gramo­ ng shabu sa ginawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parañaque City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo­ G. Cacdac, Jr. ang suspek na si  Geronimo Tibay, Jr., alyas Jun, residente ng Elvinda Village­, San Pedro, Laguna.

Ayon kay Cacdac, nasakote ang suspek ng pinagsanib na tropa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) sa pangunguna ni Di­rector Laurefel Gabales; at PDEA Regional Office 1 (PDEA RO1) sa pangunguna ni Director Adrian Alvariño.

Isinagawa ang buy-bust operation sa may kahabaan ng Service Road, south-bound, Sucat Interchange, Parañaque City, ganap na alas 11:00 ng umaga.

Dito ay iniabot ni Tibay ang higit sa 100 gramo ng shabu na nakalagay sa plastic bag sa isang PDEA agent na nagsilbing poseur buyer kapalit ang P1,000 marked money.

Nang magpositibo ang palitan ng items ay saka na dinamba si Tibay nang iba pang operatiba na nagmamasid lamang sa kanilang transaksyon.

Si Tibay ay nasa kustodiya ngayon ng PDEA head­quarters sa QC at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous­ Drugs Act of 2002.

CACDAC

COMPREHENSIVE DANGEROUS

DIRECTOR ADRIAN ALVARI

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ELVINDA VILLAGE

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with