^

Metro

Ping sa Cavaliers: ’Wag pasisilaw sa salapi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Fort del Pilar, Baguio City - Huwag kayong pasisilaw sa anumang materyal na bagay at salapi!

Ito ang naging hamon kahapon ni dating Senador at rehab czar Panfilo “Ping “ Lacson sa mga Cavaliers bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa ginanap na ika-116 taong Alumni Homecoming sa Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Lacson, dapat isapuso ng mga Cavaliers hanggang mamatay ang ‘Courage, Integrity at Loyalty” bilang bahagi ng sinumpaang tungkulin ng mga PMAers simula pa lamang ng pagtuntong ng mga ito sa akademya.

Bagama’t ilan na sa mga kapwa Cavaliers ang lumihis sa sinumpaang tungkulin dahil sa korap­syon ay mas marami pa rin ang nananatiling nagsisilbi ng tapat sa pagli­lingkod sa bayan.

Aniya, hindi dapat mawalan ng disiplina, matukso sa katiwalian at masangkot sa korapsyon dahilan sa lihis ito sa tuwid­ na landas.

Kaugnay nito, sinabi ni Lacson na nalulungkot siya sa pagkakasangkot ng ilang mga Senador sa pork barrel scam tulad nina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

“Nakakalungkot, meron tayong due pro­cess na tinatawag, so they will have their day in court ano, but sa ngayon lumalabas yung mga evidence and they should really prepare for that,” pahayag nito.

Inamin naman ni Lacson na mabigat ang mga iprinisintang ebidensiya ng mga whistle­blowers laban­ sa ina­akusahang mga Senador.

vuukle comment

ALUMNI HOMECOMING

BAGUIO CITY

BONG REVILLA

JINGGOY ESTRADA

LACSON

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SENADOR

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with