^

Metro

3 kelot timbog sa mga baril at bala sa checkpoint

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong lalaki na sakay ng isang kotse na walang plaka nang mamataan ng mga pulis sa isang checkpoint  na naging dahilan din upang mabuko na may karga pa itong mga baril, sketch at mga cellphone na hinihinalang gagamitin sa surveillance o krimen  sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sinisiyasat pa ang background ng mga naaresto kung may grupo na sangkot sa holdapan, pangangarnap o gun for hire, bagamat pansamantalang ipi­nagharap na ang mga ito ng mga kasong reckless driving­, driving without license plate at Illegal possession of firearms.

Nakilala ang mga dinakip na sina  Jessie Berin, 34; kapatid nitong si Jerson, 28, at Abiden Renta, 34. Nabatid sa ulat na dakong alas-9:30 ng gabi nang parahin ni C/Insp. Rey Cocson, ng MPD-District Public Safety Battalion, at ng kanyang mga tauhan ang walang plakang itim  na Toyota Vios sa isang checkpoint sa TM Kalaw, sa Ermita, Maynila.

Naghinala ang mga pulis­ dahil sa walang plate number, tinted pa ito at may conduction sticker na TW 9066 kaya pinabuksan ang bintana at doon nakita sa lapag ng sasakyan ang 2 kalibre .45 pistola. Ikinatwiran ng mga suspek na papauwi na sila sa Cavite at umamin na may sinu-surveillance lamang sila subalit idinepensa na hindi umano nila alam kung bakit may mga baril ang kotse­ na hiniram lamang nila.

Wala rin umanong tinukoy kung sino ang pakay sa surveillance. May nakuha ring mga kopya­ ng sketch mula sa mga suspek.

 

vuukle comment

ABIDEN RENTA

ARESTADO

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATTALION

ERMITA

JESSIE BERIN

MAYNILA

REY COCSON

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with