^

Metro

Pagkakaisa, pag-unlad hangad ng mga Muslim sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsisimula ang pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano na nasa Maynila para sa pagkakaisa kung saan iisa lamang ang kanilang adhikain  na katahimikan at pag-unlad.

Ipinakita ito at ipinaramdam ng mga Muslim na nanini­rahan at naghahanap-buhay sa Maynila sa naganap na Manila Multi-sectoral Congress sa Uniber­sidad de Manila noong Biyernes ng hapon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang mga Muslim sa Maynila mula sa Baseco, Quiapo, Isla Puting­ Bato, Sta Mesa at kung saan-saan pa dahil sa imbi­tasyon ni Manila Muslim Consultative Council chairman Jo Arabani.

Nais ni Arabani, sa utos na rin ni Manila Mayor Joseph Estrada, na magkaisa at magtulungan ang mga Muslim at Kristiyano para sa maayos na pagkaka­una­waan, katahimikan at pag-unlad.

Kinatawan naman ni Jude Estrada at Sandra Cam, pa­­ngulo ng whistle blower sa Pilipinas ang alkalde kung saan nagbigay ng mensahe sa mga dumalo sa pagtitipon.

Sinabi ng batang Estrada na hindi na nakapiring ang mata ng mamamayan para sa katahimikan kaya nga nais ng mga ito ng kapayapaan at pagkakaisa anu­man ang relihiyon.

Hiling ng batang Estrada na galangin ang damdamin ng bawat isa at tigilan na ang gantihan sa pamamagitan ng ka­ra­hasan sapagkat wala itong patutunguhan. Ang pag-unlad, ayon sa colonel, ay nakasalalay sa pag­kakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino.

 

ISLA PUTING

JO ARABANI

JUDE ESTRADA

KRISTIYANO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA MULTI

MANILA MUSLIM CONSULTATIVE COUNCIL

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with