^

Metro

3 salvage victim natagpuan sa Muntinlupa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng hind­i pa nakikilalang mga lalaki­ na hinihinalang biktima ng salvage ang na­tagpuan kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima, na tinatayang ang mga edad ay nasa 18 hanggang 25-anyos, pawang may mga tattoo, ang dalawa nito ay naka t-shirt ng blue at pulang short, nakatali ang mga kamay at paa ng metal wire at may mga tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Ayon sa imbetigasyon ni SPO3 Roberto Pareno, ng Station Investigation Di­vision Branch (SIB), Muntinlupa City Police, nakatanggap sila ng tawag sa telepono, na tatlong bang­kay ng kalalakihan ang natagpuan ng mga residente  sa Biazon Road, NHA, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Inilagak ang mga bangkay ng biktima sa Benson Funeral Parlor para i-autopsy, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

AYON

BENSON FUNERAL PARLOR

BIAZON ROAD

BRGY

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

ROBERTO PARENO

STATION INVESTIGATION DI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with