P550-M pekeng produkto nasamsam
MANILA, Philippines - Aabot sa humigit kumulang sa P550 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska nang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs sa magkakahiwalay na raid na isinagawa kahapon ng umaga sa Maynila, Pasay at Parañaque.
Base sa report, alas-5:00 ng umaga sinalakay ng operatiba ang anim na palapag na gusali o bodega, na matatagpuan sa Baclaran, Brgy. 77, Pasay City, na nagÂlalaman ito ng mga pekeng baby shampoo, baby wipes, sapatos, tsinelas.
Ang naturang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng NBI, Pasay City Police, Bureau of Customs at Intellectual Property Rights Division.
Base sa report, mahigit isang buwan minanmanan ang naturang bodega na isa sa mga pangunahing nagsu-supply ng naturang mga pekeng produkto na inilalako sa Baclaran.
 Tanging ang naabutan ng mga awtoridad sa naturang bodega na pag-aari ng isang Chinese national na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ay ang mga guwardiyang naka-duty dito. Puno aniya ng mga kahon ng pekeng prudukto ang ikalawa hanggang ika-anim na palapag ng bodega habang may maliit na opisina sa unang palapag ng gusali na puno ng mga closed circuit television (CCTV) camera.
Napag-alaman na posibleng galing sa China ang mga produkto lalo’t may Chinese characters ang mga kahon nito.
- Latest