2 nanloob, kumatay sa mag-ama, sumuko
MANILA, Philippines - Nasa kostudya na ng pulisya ang dalawang suspect na nanloob at pumaslang sa mag-ama sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Unang sumuko ang isa sa mga suspect na si Anthony SerneÂchez, 26, nakaÂtira sa Julian Felipe St., Sapang Saging, Brgy. 8, Caloocan City.
Sinabi ng suspect na hindi umano siya makaÂtulog at matinding pag-uusig ng konsensiya ang kanyang nararamdaman kaya siya sumuko alas-6:00 ng gabi sa kanyang tiyuÂhing tanod na si Rodolfo Sernechez at dinala ito sa mga pulis.
Inamin nito na kasama siya sa panloloob sa bahay ng mag-amang biktima na sina Felizardo Coralde, 46; at anak nitong si Albert, 19, noong Miyerkules ng madaling-araw, pero hindi siya ang gumilit sa leeg ng mga ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan kundi si Aries Santos na paÂmangkin ng matandang CoÂralde.
 Depensa ni Anthony, lasing aniya siya noon at ang pinsang si Santos umano ang nagplano sa panloloob sa bahay ng mga Coralde.
Sinabi pa ni Anthony, na ang tanging partisipasyon lamang niya ay ang igapos ang mag-ama.
Ipinahayag pa nito na noong una aniya, pagnaÂnakaw lamang ang kanilang puntirya, subalit nang alisin ni Felizardo ang piring sa mga mata nito ay nakita at nakilala sila kaya tinuluyan nilang patayin ang mga ito.

Base na rin sa pag-amin ni Anthony, kabilang sa mga tinangay nila ay ang P1,000 cash, laptop, cellphone at tablet. NagsaÂsagawa ng manhunt opeÂration ang mga kagawad ng Malabon City Police laban kay Santos.
Naunang nagpahaÂyag si Malabon City Mayor Antolin Oreta III na magÂbiÂÂbigay ng halagang P100,000 sa sinumang maÂkakapagturo o makaÂkapagbigay impormasyon sa mga suspekÂ.
Sa pinakahuling ulat, nadakip na rin kahapon sa Batangas ang suspect na si Santos.
- Latest