^

Metro

Truck ban sa Maynila, simula na sa Lunes

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa Lunes ay mahigpit nang ipatutupad ang truck ban sa lungsod ng Maynila matapos na pumasa sa konseho at pirmihan ni  Manila Mayor Joseph Estrada kahapon.

Kasabay nito, inaasahan naman ang nakaambang gulo sa pagitan ng city officials at  grupo ng mga truckers upang  ipakita ang kanilang pagtutol sa ordinansa.

Nakahanda  din si Estrada na  magsuot muli ng fatigue uniform bilang pagpapakita ng kanyang kahandaan sa posibleng gulong mangyayari.

Sinabi ni Estrada na magsisimula ang truck ban mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang kung Sabado at Linggo at mga holiday.

Layon aniya  ng  Ordinance 7570 (nag-aamyenda sa Traffic Management Code ng lungsod) na dahil dito matitiyak ang  kaligtasan ng  publiko parikular na ang mga estudyante at mga  nag-oopisina sa  lungsod.

Ayon naman kay Vice Mayor Isko Moreno nakikipagsabayan ang mga truck sa  mga pampublikong  sasakyan  sa kalsada kung kaya’t nangyayari  ay nahuhuli sa pagpasok ang mga estudyante at mga empleyado bukod pa sa aksidenteng posibleng mangyari , bukod pa sa nagpapasikip ang mga  malalaking truck sa daloy ng mga sasakyan sa lansangan.

Nakasaad sa ordinansa,  na  mahigpit na ipinagbabawal ang pagbiyahe ng cargo truck, gravel and sand truck,  cement mixers at iba pang heavy cargo truck na may walong gulong na tumitimbang o gross weight na  4,500 kilograms, kasama rin ang mga tractor trailer o containerized haulers. Ang lalabag sa ordi­nansa ay magmumulta nang P5,000.

Hindi naman kasama  dito ang mga truck ng mga perishable good at  mga  truck ng  government project.

Nagbabala si Estrada na sakaling magsagawa ng strike o bumalagbag sa mga lan­sangan ng Maynila ang mga trucks ay hindi siya mag-aatubling manghuli.

Samantala, ang nasabing ordinansa at itinuturing ng mga truck owner  and operator  na political suicide kung tuluyang ipatutupad.

Sinabi ni Ms. Mary Zapata, pangulo ng Aduana Business Club, malaking kahihiyan sa international shipping industry ang pinalawig na truck ban dahil  lalo lamang babagal ang panahon ng pagbibiyahe ng mga mahahalagang kargamento na kailangan ng iba’t ibang industriya.

Nanawagan si Zapata sa  mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry, Department  of Transportation and Communication na kumilos laban sa truck ban dahil tiyak na malaking pagkabawas sa ekonomiya ng bansa ang idudulot ng na­sabing ordinansa.

Sa sandali aniyang matengga sa pier ang mga truck at kargamento, tiyak na sisikip at babagal ang daloy ng trapiko sa mga daraanan ng mga truck dahil sa bulto o volume ng truck na magmamadali upang habulin ang oras ng biyahe.

ADUANA BUSINESS CLUB

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MS. MARY ZAPATA

SINABI

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with