^

Metro

Mag-ama iginapos, ginilitan ng ‘Akyat-bahay gang’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginapos muna bago ginilitan hanggang sa mapatay ang isang mag-ama ng  grupo ng ‘Akyat bahay gang’  na nanloob sa kanilang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din nang matagpuan sa loob ng kanilang kuwarto sanhi ng laslas sa leeg ang mga biktimang sina Felizardo Coralde Jr., 47, record Officer ng Malabon City Hall at Albert Coralde, 19, kapwa  ng  N. Vidal St., Brgy.  Ibaba ng nasabing lungsod.

Base sa pinagsamang imbestigasyon nina PO3 Jun Belbes at PO2 Benjamin Sy Jr., ng Station Investigation Branch (SIB) ng Malabon City Police,  alas-5:00 ng mada­ling-araw nang matagpuan ang wala nang buhay na mga biktima  ng kanilang mga kaanak sa loob ng kuwarto ng mga ito.

Agad na itinawag sa mga pulis ang insidente  at luma­labas sa imbestigasyon na ginapos muna bago ginilitan ng leeg ang mga biktima kung saan nawawala din ang ilang mga gamit ng mag-ama habang nagkalat sa sahig ang iba pang mga gamit.

Bago ang insidente, alas-2:30 ng madaling araw, na­rinig ng isa sa mga anak ni Felizado na si Catherine na may kaguluhan sa loob ng kuwarto ng kanyang ama subalit, hindi na nito pinansin.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagka­kilanlan ng mga suspek at kung magkanong halaga ang natangay ng mga ito.

vuukle comment

ALBERT CORALDE

BENJAMIN SY JR.

FELIZARDO CORALDE JR.

JUN BELBES

MALABON CITY

MALABON CITY HALL

MALABON CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with