^

Metro

5 pulis nag-blotter kay Vhong Navarro, ni-relieve

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon sa kanilang puwesto ang limang pulis ng Southern Police District Office (SPDO) kabilang ang dalawang opisyal na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee  at Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa Taguig City.

Ayon kay SPD director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, tinanggal muna nila  pansamantala sa puwesto ang hepe ng District Investigation and Detective Management (DIDM) na si Supt. Nelson Bautista; ang nagsulat ng blotter na si PO3 Dalmacio Lumiwan; kasama ring inalis ang noo’y officer of the day at naka-duty sa presinto na sina Senior Insp. Eduardo Alcantara;   PO3 Lory Laureto at PO3 Eugene Pugal.

Nabatid na pansamantalang inilagay  ang limang pulis sa District Personnel Holding Unit ng SPDO habang iniimbestigahan ang mga ito ng District Internal Affairs Service.

Posibleng maharap ang mga ito sa administrative lapses case  matapos na  hindi nila  ipa-medical exam si Navarro kahit nakita na nilang bugbog-sarado ito.

Ayon kay Villacorte, kapag mapatunayan aniyang  nag­kulang ang mga pulis, mahaharap sila sa parusa, subalit  kung mapatutunayang ginawa nila ang lahat at walang naging pagkukulang ay ibabalik din  sila sa kani-kanilang pwesto.

Una nang idinetalye ng  abogado ni Navarro ang kaku­langan at kapabayaan  sa proseso ng pagba-blotter sa kanyang kliyente.

AYON

CEDRIC LEE

CHIEF SUPT

DALMACIO LUMIWAN

DENIECE CORNEJO

DISTRICT INTERNAL AFFAIRS SERVICE

DISTRICT INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

DISTRICT PERSONNEL HOLDING UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with