^

Metro

Bebot tumungga ng silver cleaner

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na babae ang nasawi makaraan umanong uminom ng silver­ cleaner nang balewalain umano ng kinakasama ang alok ng una na magpunta sa simbahan, kamakalawa sa lungsod Quezon.

Ayon kay SPO2 Cris Zaldarriaga, si Janet Brinag, ay nagawa pang isugod sa ospital pero binawian din ng buhay.

Nangyari ang insidente sa loob ng kanilang tinutuluyan sa may Mauban St., Brgy. Manresa, ganap na alas -4:55 ng hapon.

Bago ito, alas- 4 ng hapon ay pinuntahan umano ng biktima ang kanyang kinakasamang si Deomer Perocho sa basketball court para kumbinsihing magpunta sa simbahan.

Pero, kahit anong pakiusap ng biktima ay patuloy pa rin sa paglalaro si Perocho ng basketball dahilan para magpasya ang una na umuwi na lamang.

Kinahapunan habang si Perocho ay busy sa panonood ng telebisyon ay biglang nakita nito ang biktima na bumuwal sa sahig ng walang malay habang hawak ang isang walang lamang bote ng silver cleaner.

Isinugod ito sa pagamutan subalit hindi na rin naisalba pa ang buhay. Samantala, hindi na naman ipinasa­ilalim sa otopsiya ng kaanak ang bangkay ng biktima ma­karaang lumagda  ang mga ito ng waiver.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CRIS ZALDARRIAGA

DEOMER PEROCHO

ISANG

ISINUGOD

JANET BRINAG

MAUBAN ST.

PEROCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with