^

Metro

Salvage victim natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang naka-posas ang magkabilang kamay at tama ng bala sa ulo sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, ang biktima ay may taas na 5’4’’, nasa pagitan ng edad 30-35, nakasuot ng itim na sando, gray na short pants, at may tattoo na “sherwin”, “Gomer”, ‘Orly”, “Jay”, at “Vega” sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ang bangkay ay nadiskubre sa bakanteng lote na mata­tagpuan sa Forest Hills Chapel sa tabi ng Tullahan River na matatagpuan sa #37 Forest Hills Drive, Bgy.Gulod Novaliches, ganap na alas-5:45 ng umaga.

Nakita ang naturang bangkay ng isang Manny Perocho habang ito ay nagwawalis sa nasabing lugar at mapuna ang bangkay habang nakaluhod at may posas.

Sa pagsisiyasat, nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang ulo. 

 

vuukle comment

AYON

BGY

FOREST HILLS CHAPEL

GULOD NOVALICHES

ISANG

MANNY PEROCHO

NAKITA

PASCUAL FABREAG

TULLAHAN RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with