Fixers sa BI laganap
MANILA, Philippines - Laganap umano angfixers sa Bureau of Immigration kung kaya nagsagawa ngoperasyon ang ahensya na ikinadakip ngpitong katao.
Kinilala ni BI Commissioner Seigfred Mison ang mga nahuli na sina Corazon Maghakot Almidez, Elizabeth Reodica, Mary Jane Adducul, Leila Unggang Cataluna, Wilfredo Melencio, Sherwin Bantayan at Andyson Torreon.
Ang mga nasabing fixers sa loob ng BI ang umano’y nakikipagsabwatan sa ilang tiwaling tauhan ng ahensya para sa pagsasaayos ng immigration documents ng mga dayuhan sa bansa.
Itorin ang itinuturong dahilan kung kaya’t dumarami ang mga illegal aliens sa bansa na nagiging sanhi upang malusutan ito ng mga may kasong dayuhan sa kanilang bansa.
Nabatid sa ulat, na magkakahiwalay na nadakip ang mga nasabing fixers ng mga tauhan ng BI civil security unit na nakuhanan ng Japanese, US, Korean, Saudi Arabian, Taiwan passports.
Giit ni Mison, kapwa walang BI accreditation ang naÂsabing mga indibiduwal na mahigpit na ipinagbabawal na makipagtransaksyon sa loob ng ahensya.
Tiniyak ni Mison na hangga’t siya ang namumuno sa BI hindi makakaporma ang mga fixers.
- Latest




















