Gasoline station hinoldap ng tandem
MANILA, Philippines - Kumana na naman ang dalawang kilabot na holdaper na riding in tandem nang holdapin ang isang gasoline station sa Cagayan St., Congressional Avenue sa Quezon City, kahapon ng madaling- araw.
Ayon sa Masambong PoÂÂlice Station, isang Jovie Agustin, tauhan ng naturang gasolinahan ang nagsabi na dumaan pa sa kanilang gasolinahan ang mobile patrol ng Masambong Police saka sila pinayuhan na sakaling may makita silang kahina-hinalang masamang elemento ay agad tumawag sa naturang himpilan ng pulisya.
Pero makalipas lamang ang 25 minuto, dumating ang dalawang armadong lalaki lulan ng motorsiklo na nagdeklara ng holdap.
Mabilis naman na napuna ng kahera ang kahina-hinalang kilos ng dalawang suspek kaya agad niyang kinandado ang kanyang opisina.
“Sinira po ng mga holdaper ang pintuan sa kahera saka sila pumasok at hinoldap ako, kaya sa takot ko, napiÂlitan po akong ibigay ang P10,000 na kita ng gasolinahan,†pahayag ni Agustin.
Pinalad namang walang nasaktan sa nangyaring pangÂhoholdap habang hiningi ng Quezon City Police ang CCTV ng nasabing gasoline station para matukoy ang mga holÂdaper.
Napag-alaman sa mga gaÂÂÂsoline boy na sa bilis ng pangÂyayari, hindi nila na plaÂkahan ang motorsiklo. Kapwa nakaÂsuot ng helmet ang magkaangkas na holdaper.
- Latest