15 bahay tupok sa sunog
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na lumamon sa may 15 kabahayan sa San Jose sa San Francisco del Monte, lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Marites Baetiong sa 6 San Jose St., Brgy. San Antonio, San Francisco Del Monte, ganap na alas-11:15 ng umaga. Sa inisyal na imÂbesÂÂtigasyon, ang sunog ay dulot ng napabayaang niluÂluÂtong pagÂkain, gayunman iniimbestigahan pa nila ang naturang impormasyon.
Dahil gawa lamang umano sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay na rin ang katabing bahay nito.
Umabot sa ikalimang -alarma ang sunog, dahil nahiÂrapan ang mga bumbero na makapasok sa mismong pinagmulan ng apoy, sanhi ng makitid na daan dito. Ganap na ala-1:13 ng hapon nang tuluyang ideklara ni Fernandez na fire out ang nasabing sunog.
Aabot naman sa 45 pamilya ang nawalan ng tirahan sa insidente na pansamantalang tumutuloy sa covered court ng nasabing barangay. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.
- Latest