Sa Vhong Navarro case CCTV footage sa condo, hawak na ng NBI
MANILA, Philippines - Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang closed circuit television (CCTV) footage na kuha mula sa condominium building sa Bonifacio Global City noong gabing mabugbog ang actor/TV host na si Vhong Navarro.
Ang CCTV footage ay itiÂnurn-over kahapon kay NBI-National Capital Region, AssisÂtant Regional Director Vicente De Guzman ng limang security guard ng Forbeswoods Heights na ipinatawag ng kawanihan.
Nakapagbigay na ng salaysay ang isa sa mga guwardiya partikular na ang naka-assign sa main gate ng condominium building na si Lero Garvin.
Inilahad umano ng nasabing guwardiya ang kanyang nakita noong gabing lumabas ng Forbeswoods Heights si NaÂvarro kasama ang grupo ni Cedric Lee.
Tumanggi naman si De Guzman na ilahad ang deÂtalye ng salaysay ni Garvin.
Sinabi pa ni De Guzman na wala pa silang pormal na reklamo na natatanggap mula sa aktor subalit nagsisimula na silang imbestigahan ang kaso.
Pinagbatayan nila sa paunang pagsisiyasat sa isang programa sa telebisyon kung saan isinapubliko ang direktang paghahayag ni Navarro sa mga insidente at mga taong isinasangkot.
Katunayan, aniya, noong pang Enero 23, isang araw nang maganap ang pambuÂbugbog sa aktor sa nasabing condominium, ay nagtungo na ang mga tauhan ng NBI sa utos ni NBI Director Virgilio Mendez.
Nabatid na isinubpoena na ng NBI-NCR ang mga lumutang na pangalan na sangkot sa insidente kabilang si Deniece Cornejo at Cedric Lee.
- Latest