^

Metro

6-anyos ginahasa, pinatay sa Paco

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na, walang saplot pang-ibaba at may bahid ng dugo ang ari ng isang 6-an­yos na batang babae nang madiskubre sa ma­damong bahagi ng Plaza Dilao sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Arlyn Joy Balolong, residente ng Barangay 872, sa Pandacan, Maynila, na natagpuang nakasuot na lang ng puting sando, habang may bahid ng dugo at magang-maga umano ang ari nito na hinihinalang pi­nu­­wer­sang pasukan ng ma­tigas na bagay o ginahasa.

Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang ma­diskubre ang ina­bandonang bangkay ng bik­tima sa nasabing plaza, malapit sa lumang PNR Sta­tion sa Pres. Qui­rino Ave­nue, Paco.

Positibong kinilala ng ka­niyang inang si Elizabeth ang biktima, na ayon dito ay huling nakitang buhay bandang alas-10:00 Linggo ng gabi sa tindahan na malapit sa kanilang bahay.

Nang pauuwiin na makalipas ang 30 minuto ay hindi na ito makita hanggang sa may mabalitaan na may na­tagpuang patay sa Plaza Dilao.

Sa kuwento ng barangay tanod na si Ramon Sus ng Brgy. 825, Zone 89, nagroronda sila nang mapansin na may naiwang maong na pantalon sa lugar na pinagdudahan.

Naghinala siyang may ka­kaibang pangyayari sa lugar at nang libutin ang madilim na bahagi ay nakita ang nakadapang katawan ng biktima dahilan upang ipagbigay alam sa Punong Barangay at sa MPD-Station 10 na siyang nagreport sa MPD.

Batay sa mga nakalap umanong pahayag, bago ang insidente, may isang lala­king lasing na nakasuot ng t-shirt na puti at maong na pan­talon ang nakitang gumagala doon.

Patuloy pa ang pulisya sa imbestigasyon upang ma­dakip ang responsable sa ka­­rumal-dumal na krimen.

 

vuukle comment

ARLYN JOY BALOLONG

BATAY

BRGY

MAYNILA

MICHAEL MARAGGUN

PLAZA DILAO

PUNONG BARANGAY

RAMON SUS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with