^

Metro

Informer, kritikal sa ‘tulak’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal  na kondisyon ngayon ang isang 44-anyos na lalaki makaraang barilin ng isang kilalang tulak ng iligal na droga matapos na pagkamalang informer ng mga pulis, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakaratay ngayon sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang nakilalang si Felimon Aragon, ng Cabuyao, Laguna makarang magtamo ng tama ng bala sa likod at puwitan. 

Pinaghahanap naman nga­yon ang suspect na nakilala lamang sa alyas “Nash”, tubong Marawi City, makaraang tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Pasay Police, nag­lalakad sa madilim na bahagi ng Narra Street sa naturang lungsod dakong alas-10 ng gabi ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect buhat sa likuran at dalawang beses na binaril si Aragon.

Kahit na sugatan, nagawa pa ring makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong sa kanyang kaibigan na si Angelo Tan na siya ring nagsugod sa kanyang sa pagamutan. 

Habang nasa daan, nagawang maituro ng biktima kay Tan na si alyas Nash ang bumaril sa kanya sa pag-aakalang informer siya ng mga pulis.

 

vuukle comment

ANGELO TAN

ARAGON

CABUYAO

FELIMON ARAGON

MARAWI CITY

NARRA STREET

PASAY CITY

PASAY POLICE

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with